Sabado, Setyembre 17, 2011

Abstract

Ano na bang mga uso ngayon? Teleserye, mainstream movies, Justin Bieber, Selena Gomez, RNB, english Hip-Hop, etc. Kapag banyaga o may halong banyaga talaga eh gustong gusto natin. Pero kapag ang pinag-usapan na eh OPM, jejemon, Pacquiao(lalong lao na si Mommy D), nag-iiba na yung timpla natin.

Sabi sa Yahoo! Philippines at Google, sila Charice, Pacquiao, at Venus Raj daw ang mga sikat na isearch noong 2010. Pero kung iisipin natin, proud ba talaga tayo sa mga sikat na Pilipinong yan? Naalala ko dati yung napanood ko hindi ko na maalala kung anong palabas, nag-iinterview sila ng mga tao tungkol sa susunod na laban ni Pacquiao. May isang nagsabi na Jeepney driver na sana daw matalo na si Pacquiao kasi nakakasawa na raw tsaka lumalaki na raw yung ulo. Nakasanayan na talaga siguro natin ang ganyang pag-uugali. Hindi naisip nung driver na kapag natalo si Pacquiao eh mawawala nanaman ang Pilipinas sa mapa ng mundo.

Isa lang yan sa mga halimbawa ng pag-iisip ng isang simpleng mamamayan. Isang halimbawa ng konkretong pag iisip. Naalala ko tuloy yung kaklase ko dati, sabi ko kapag banda yung tugtugan OPM yung pinapakinggan ko. Sabi naman niya ang baduy daw, wala daw maganda sa OPM. Sabi ko tuloy sa isip ko, Putangina ayaw mo sa OPM pero nakikinig ka sa Parokya, Eheads, at Kamikazee. Anong tawag sa kanya? Tama isang hipokrito. Pero kapag iisipin natin ang karamihan sa mga nakatapos ng pag-aaral at nag-aaral pa lamang sa kolehiyo, madali nating sabihin na iba silang mag-isip.

Ang pinakamagandang halimbawa talaga para sa mga "edukado" ay ang video ni Rebecca Black na "Friday". Karamihan sa mga nakapanood ng video eh hindi nagandahan. Wala raw kwenta yung lyrics. Naging uso tuloy pag-usapan sa Pilipinas. So ibig sabihin ba noon eh matalino na sila? Siguro ang iniisip nila eh kakaiba silang mag-isip. Abstrakto. Yan ang madalas mali ng mga tao. Kapag hindi sila sumasang ayon sa isang bagay, akala nila abstrakto na ang kanilang pag-iisip. Pero ang totoo nakikisabay kalang din sa agos ng lipunan. Katulad ng Jeepney driver kanina, ang konkretong pag-iisip pag sinuri ang video ni Rebecca Black, sasabihin nilang pangit yung kanta dahil walang kwenta yung lyrics. Pero sa taong abstrakto at totoong nag-iisip, masasabi niya na pangit yung kanta dahil parang robot na monotone yung kumakanta. Alam mo na agad na konkreto kang mag-isip kung fan ka ng Nirvana pero hindi ka fan ni Rebecca Black. Anong parehas sa kanilang dalawa? Madali lang yan.

Smells Like Teen Spirit at Friday.

Biyernes, Setyembre 9, 2011

The Church as the New Philippine Government

Alam ko na matagal na yung balita tungkol kay Mideo Cruz. Kung hindi mo pa kilala si Mideo Cruz eh ewan ko na lang kung bakit. At ngayon usap-usapan pa rin yung "controversial" nyang Art Exhibit sa CCP. Ang 'Poleteismo' na gawa ni Mideo Cruz kasama na ang 31 pang mga artist na galing sa University of Santo Tomas na may kani-kanila ring gawa para sa Kulo Exhibit ng CCP ay ginawa para sa kaarawan ni Dr. Jose Rizal.

Binuksan ang exhibit noong June 17 at dapat eh hanggang August 21 pa yung exhibit. Pero dahil sa mga kupal at makikitid na utak na namumuno ng simbahan, pinasara ang exhibit noong August 9. Dahil sa nangyari talagang mapapaisip ka kung sino ba talaga ang namumuno ng Pilipinas. Anong ginawa ng Gobyerno? Wala. Kasi natatakot sila sa simbahan. At dahil din sa mga magagaling na mga media, pinakalat yung balita sa TV kaya mas lalong napapasama ang ginawa ni Mideo Cruz.

Kung hindi mo nakita ang exhibit at hindi mo pa nakikita ang mga pictures sa exhibit, wag ka munang manghusga. Sabi nya nga sa email sa Varsitarian ng University of Santo Tomas, hindi niya nilayon mang-api ng tao kundi para magtanong at mag-isip ng kritikal ang mga tao. Yan ang problema sa mga tao ngayon eh, masydo nang mababaw. Hindi ko sinasabi na tama ang ginawa nya. Ang sinasabi ko lang eh sa sobrang babaw na ng mga tao ngayon eh parang nabubuhay na tayo sa hypocrisy. Makakita ka lang ng titi sa poster ni Jesus Christ nabastusan ka na agad. Hindi ka man lang muna tumigil at nag isip kung bakit ganoon ang ginawa ng artist.

Dada Art kasi yan, pagsasama-sama ng mga napulot na bagay. Kaya hindi rin talaga masasabi na lahat ng ginawa niya ay planado. Sinabi niya nga rin na ang condom sa ibabaw ng Crucifix eh random lang. "Random", wag mong sabihin na 'sana naman sa iba nalang niya nilagay hindi sa Crucifix' kasi kung hindi ka ba naman nag iisip eh random nga. Kung namili siya ng pagpupuwestohan ng condom eh hindi na random ang tawag dun.

Ang masama lang talaga dito eh kinalat sa balita na bastos yung ginawa niya at pinasara ng maaga yung exhibit. Hindi man lang nila naisip na kelangan din ng opinyon ng ibang tao. Paano sila magkakaroon ng sariling opinyon na walang bias kung hindi nila makikita yung exhibit? Hindi dapat ang simbahan ang magkokontrol ng opinyon ng mamamayan.

Kung bulag ka sa katotohanan, hindi mo makikita na hindi lahat ng ginagawa ng simbahan ay mabuti at nakakatuwa, minsan nakakainis rin na sa sobrang inis mo, gusto mo nang pabalikin si Kristo sa mundo para makahingi ng opinyon nya.

Biyernes, Agosto 12, 2011

Mainstream Crap = Boycott

Ayoko na talagang isipin to eh kaso talagang hindi ko makayanan na hindi isipin. Dati may mga bali-balita na magkakaron daw ng "Mara Clara The Movie." Hindi naman sa ayoko sa Mara Clara pero buti naman hindi nagkatotoo yung remake. Kasi isipin mo, ano pa bang ipagkakaiba ng Mara Clara na remake sa original na Mara Clara? Siguradong magiging parehas lang yung takbo ng istorya sa remake at original. Ang remake kasi ginagawa lang kung may bago kang idea para sa dun. Kaya buti nalang talaga hindi yun nagkatotoo.

Pero may bagong movie ngayon sila Mara at Clara. Kung hindi mo pa alam, ang title nung movie eh "Way Back Home." Napanood ko yung trailer dahil sa kapatid ko. At kung hindi ko nakita yung title eh malamang sa malamang, napagkamalan kong Mara Clara The Movie yung trailer. Eh kasi naman halos parehas lang yung dating ng story sa Mara Clara. Eto nanaman silang mga mainstream directors eh, "WALANG KWENTA." Ano ba talagang problema at hindi talaga sila makagawa ng matatalinong movie?

Kapag ba mainstream movie sa Pilipinas, kelangan basura yung ginagawa? Bakit yung ibang indie films eh nakakagawa ng matatalino at kakaibang movie? Tangina talaga nakakainis na. Kung pwede lang magmakaawa eh nagmakaawa nako sa kanila para gumawa ng movie na hindi tungkol sa mga nagsasampalang kapatid, nagkakahiwalay na magsyota tapos magkakabalikan sa huli. Luma na kasi yan eh. Bigyan nyo naman kami ng bago please lang.

Pero sabi ko nga, kaya siguro sila hindi nagpapakahirap mag-isip ng magandang story eh kasi ang tingin nila sa masa eh mga tanga. Ikaw papayag ka bang tanga ka? At eto pa, kung ako naman yung direktor at gagawa ako ng movie, hindi na ko magapapakahirap mag-isip gumawa ng story. Kukuha nalang ako ng idea sa mga naunang mga movie na basura. Kasi kahit ano pa naman yan papanoorin pa rin yan ng mga tao at sasabihin pang maganda kung mapapaiyak mo sila o mapapatawa. Kaya eto lang ang naiisip kong solusyon. Kung ayaw niyo ng mga basurang movie, wag niyong panoorin sa cinema. Idownload nyo nalang sa torrent.

BOYCOTT!

Linggo, Agosto 7, 2011

Hypocrites' Support

"Malacañang on Saturday urged Filipinos to rally behind the Philippine dragon boat team that topped the 1,000-meter small boat event of the biennial 10th International Dragon Boat Racing Championship in Tampa, Florida."-GMANewsTV


Ang Philippine Dragon Boat Team, buti kahit papano eh nabibigyang pansin na rin tong team na to dahil sa pagsisikap nila. Pero tignan natin ang sabi ng Malacañang, "suportahan" daw natin ang Philippine Dragon Boat team. Ayos ah, gusto ng Malacañang na suportahan natin ang Philippine Dragon Boat Team pero sila mismo eh walang naitulong sa team. Siguro nga kasalanan din ng Philippine Olympic Committee (POC) kasi tinanggal nila ang Dragon Boat racing sa National Sport Association (NSA) kaya hindi sila mabigyan ng allowance ng Philippine Sports Commission.


Pero kahit na, hindi ba nila kayang pilitin ang POC na ibalik sa NSA ang Dragon Boat Racing? Kahit na anong makaawa ng Philippine Dragon Boat Team sa gobyerno eh wala pa rin silang ginagawang aksyon. Tapos ngayon eh sasabihan nila tayo na suportahan natin ang team? Buti nalang at nandyan ang Cobra at Philippine Airlines para suportahan at mag-sponsor sa team. Kung sino pa ang totoong nagbibigay ng pride sa Pilipinas eh yun pa yung hindi kayang suportahan. 


Siguro mapupunta nanaman yan sa pagkakaron ng image. Mahirap mang sabihin eh kung titignan mo talaga ang Philippine Dragon Boat Team, mahihirapan kang maghanap ng, ah sabihin na nating kaaya-ayang tignan. Hindi katulad ng Azkals na dahil 'pogi team' eh marami talagang susuportang chicks dyan. Wag mong sabihin na proud na proud sila na bigyan ang Pilipinas ng karangalan dahil ka-bullshit-an lang yan. Pero ayokong pag-usapan sila ngayon. Philippine Dragon Boat Team muna tayo.


Alam kong iniisip mo, gano nga ba kalupit tong team na to? Nung 2007 lang naman sa Australia eh ginanap yung World Championship at nanalo sila ng gold medal. Pero hindi lang yan ah, tinatakan din nila ang World Record dahil natapos sila ng 41.91 seconds sa 200-meter men's open category standard boat. At nung 2009, na-beat nila yung sariling record nila sa bilis na 40.02 seconds, at syempre nanalo nanaman sila ng gold medal sa World Championship na ginanap naman sa Prague. At ngayon, inuwi nila ang 4th gold medal nila nang nanalo ulit sila sa World Championship sa Florida.


Kung sila eh ganun na kagaling at konti pa lang ang fans nila, siguro naman mas malupit sa kanila ang Azkals kasi sobrang dami nilang fans eh. Ay teka, ano na nga palang balita sa Azkals? Di pa rin talaga ko updated eh, pero ang alam ko lang eh maganda ang simula ng 2011 nila kasi napunta ang ranking nila sa 153. Kaso yun nga lang, medyo sumasablay sila kasi bumaba ng bumaba ang ranking nila at napunta sila ulit sa 162. Parang bumalik lang sila sa ranking nila nung 2009 at 2008 kung saan nagrank sila ng 167 at 160 respectively. Medyo bumaba pala sila 'no? Siguro masyadong busy sa showbiz? Ah basta, kung ako sa kanila eh magfofocus nalang ako sa pagsisipa ng bola at tingin ko eh wala silang mararating sa acting.

Lunes, Agosto 1, 2011

Askals No More

Ano na bang balita sa Azkals? Di kasi ako updated eh. Di ko rin kasi alam kung bakit sumisikat ngayon yung Azkals. Ibig kong sabihin, Philippine Team ba talaga ang Azkals? Kung papansinin mo yung mga sumisikat sa Azkals, eh hindi naman marurunong magsalita ng tagalog. Napanood ko pa yung interview kay Angel Guirado sa victory party nung pumasok sila sa final 8 ng AFC Challenge. Putek yan, hindi na nga marunong magtagalog, hindi pa marunong mag-english. Eh kung pinoy kaya yung gumawa niyan sa ibang bansa, hindi ba natin sasabihin na traydor sila ng Pilipinas?

Ay teka, kung sa bagay, kapag sumisikat pala yung mga pinoy sa ibang bansa eh proud na proud tayo. Kahit na wala lang sa kanya yung pagkakaron ng dugong pinoy kasi sa ibang bansa siya lumaki. Pero bakit ba dumadami yung mga foreigner sa Azkals? Sa grupo ng alpha males, para mag stand-out ka, kailangan humiwalay ka sa kapwa alpha male at sumama ka sa beta male. Ganun kaya yung ginagawa nila? Dahil hindi sila sumikat sa bansa nila eh naghanap sila ng mahinang bansa at dun sumali para sumikat. Kung ganun nga eh gumagana naman yung plano nila. Sila talaga yung sumikat imbis na mga Pilipino.

Bakit hindi nalang kumuha yung Azkals ng magaling na coach kahit pa taga saan yan at i-train yung mga Pilipino? Hindi yung kumukuha sila ng players sa ibang bansa. Sasabihin nila may dugong pinoy naman yung players na foreigner. Eh ano naman ngayon kung may dugong pinoy sila? San ba sila lumaki? Hindi naman sila lumaki sa Pilipinas eh. Tanungin mo sila na magbigay ng at least five president ng Pilipinas, o para mas madali, pakantahin mo sila ng National Anthem ng Pilipinas, ewan ko lang kung makakanta sila. May dugong pinoy sila pero sigurado naman sobrang konti lang. Nung unang invite nga kay Neil Etheridge para maglaro sa Azkals eh tumanggi, napapayag lang ni Younghusband siguro sinabi makakachicks sila dito sa Pilipinas kasi mahilig tayo sa foreigners. Ayun nasilaw siguro si Neil kasi hindi siya makachicks sa bansa niya.

Ayan nanaman yung pagka-submissive nating mga pinoy eh. Sa news sino yung mga iniinterview? Yung magkapatid na Younghusband at iba pang foreigner. Bihira lang yung mga pinoy. Actually hindi ko talaga alam eh kasi hindi talaga ako fan ng Azkals. Yung mga pinoy pa tuloy yung nagmumukang mga epal. Kaya siguro Azkals imbis na Askals, kasi karamihan eh foreigner.

"O anong tinitingin-tingin niyo dyan? Chibog na!"

Biyernes, Hulyo 29, 2011

Second Class Language?

Kung titignan mo ang mga tao sa Pilipinas ngayon, hiwa-hiwalay na tayo. May grupo ng mayayaman, grupo ng mamahihirap, grupo ng mga straight, grupo ng gays, at sa gays syempre kasama na dun yung mga tibo. At eto pa ang pinakamasaklap, mga nagtatagalog at mga "conio." Pero kung tatanungin mo sila kung anong lahi nila, eh puro naman mga Pilipino.

Dati hindi ko ma-express kung ano ba ang problema sa pag-i-english. Alam ko yung problema kaso hindi ko ma-express sa mga salita. Pero dahil sa isang tao na nagsabi sakin, alam ko na ngayon kung pano i-express sa mga salita. Gaya nga ng sabi ko sa Colonial Mentality, wala naman masamang mag-english eh. Ang masama lang ngayon, ang english ang ginagamit na language para mang-mata ng ibang tao. Sabi nga sa isang kupal na teleserye na nakalimutan ko na yung title kasi hindi ko hilig manood ng mga palabas na hindi pinag-isipan, "Don't stoop down to their level." At kapag may mga nagbabangayan sa Facebook, ano ang ginagamit para magmuka silang edukado? English din. Tangina kahit mag-english kapa kung papatulan mo yang mga troll sa internet eh hindi ka naiiba sa kanila. 

Bitter ba ko sa mga conio? Hindi rin. Actually hindi ako fluent, pero nakakausap ko naman ng maayos yung mga pinsan ko sa London ng hindi nauutal. Hindi na nga tayo sakop ng America pero ang utak parin natin colonial. Sa high school naaalala ko, pag nagsalita ka ng tagalog bayad piso. Magbabayad ka ng piso dahil lang nagsalita ka gamit ang pambansang wika. Sabi nila magagamit daw yun paglaki. Ahh, kaya pala pag laki ng mga bata eh gusto nilang pumuntang america at dun magtrabaho at para narin magkaron sila ng "american eksunt." Tayo ang sumisira sa sarili nating bansa. Kaya konti nalang ngayon ang mga makabayan. Kasi cool mag-english eh. Pag nagtagalog ka, wala baduy ka, olats. Pag nag-ibang bansa ka, astig ka na agad.

Hindi nila naisip, sino bang nilalait nila, diba sarili rin nila? Kasi Pilipino tayo eh. Hindi natin mababago ang lahi natin kahit ilang taon pa tayong magburo sa ibang bansa. Kaya ayan tuloy, English ang naging first class language sa "Pilipinas" habang ang Filipino naman ang naging second class language. Kung yan ang isip mo, ibig sabihin pumapayag ka na mas mataas na klase ng tao ang mga kano at tayo eh inferior lang. May nagsabi nga sakin, mayayabang tayo sa isa't-isa pero wala tayong yabang sa ibang bansa.

Martes, Hulyo 26, 2011

PNoy's SONA 2011

"Itigil na po natin ang paghihilahan pababa... Tuldukan na po natin ang pagiging utak alimango."
  -PNoy


July 25, 2011, ang pangalawang SONA ni PNoy. Kung ikukumpara mo ang SONA ni PNoy sa ratings niya, hindi magkatugma. Bakit nga ba? Siguro kasi hindi katulad ni dating Pangulong Arroyo, hindi niya pinapaskil sa buong bansa ang muka niya sa mga poster at banner. Maraming magagandang nasabi si PNoy pero ang pinakagusto ko sa mga sinabi niya ay ang tungkol sa mga Pilipinong hindi marunong pumuri sa Pilipinas. Eto nanaman ang utak kolonyal.

Pero kung iisipin mo, marami nga bang nagawa si PNoy sa unang taon ng pamumuno niya? Kung iisipin mong mabuti ang SONA niya, parang mas marami siyang sinabi tungkol sa mga maling nagawa ng dating administrasyon kesa sa kalagayan ng bansa. Ang naaalala ko lang sa mga sinabi niya na kalagayan ng bansa eh ang pagtaas ng stocks at pagbaba ng 5% sa mga nagugutom na pamilya.Yung iba eh tungkol na sa mga overpriced na second hand helicopters at mga nabulok na kanin na imported. Kaya nga State of The Nation eh. Ginawa ang SONA para malaman ng mga tao ang kalagayan ng ating bansa. Oo, ating bansa kasi ang Republika ng Pilipinas lang ang may SONA. Ang konsepto daw na ito ay nanggaling kay Andres Bonifacio ng magtalumpati siya ng Kalagayan ng Katipunan o ang State of the Katipunan or SOKA(parang Datu Puti lang ah).

Gaya ng sabi ko, parang konti lang ang sinabi ni PNoy tungkol sa kalagayan ng bansa. Kaya siguro nag-rally ang mga aktibistang Fil-Am sa New York kasi hindi rin sila kuntento sa mga pinagsasabi ni PNoy sa SONA niya. Pero bakit nga ba konti lang? Meron kaya siyang tinatago? Ayaw niya sigurong sabihin ang totoong kalagayan ng bansa. Pero siguro yung mga bagay lang na gusto nating marinig ang mga sinabi niya, hindi na niya sinama ang bad news. Kung sabagay, sino bang may gusto ng bad news?

Hindi ko sinasabing mali si PNoy, ang totoo pa niyan eh natutuwa ako kasi kahit konti naman eh nagkakaron ng improvements sa ating bansa. At least wala pa naman siyang pinapakitang ugaling corrupt or kung sa kanya eh "ugaling wang-wang." Kung makabayan ka katulad ko, mararamdaman mo rin ang pride sa pagiging isang Pilipino na tumataas pati na rin ang morale dahil sa SONA ni PNoy.