Linggo, Agosto 7, 2011

Hypocrites' Support

"Malacañang on Saturday urged Filipinos to rally behind the Philippine dragon boat team that topped the 1,000-meter small boat event of the biennial 10th International Dragon Boat Racing Championship in Tampa, Florida."-GMANewsTV


Ang Philippine Dragon Boat Team, buti kahit papano eh nabibigyang pansin na rin tong team na to dahil sa pagsisikap nila. Pero tignan natin ang sabi ng Malacañang, "suportahan" daw natin ang Philippine Dragon Boat team. Ayos ah, gusto ng Malacañang na suportahan natin ang Philippine Dragon Boat Team pero sila mismo eh walang naitulong sa team. Siguro nga kasalanan din ng Philippine Olympic Committee (POC) kasi tinanggal nila ang Dragon Boat racing sa National Sport Association (NSA) kaya hindi sila mabigyan ng allowance ng Philippine Sports Commission.


Pero kahit na, hindi ba nila kayang pilitin ang POC na ibalik sa NSA ang Dragon Boat Racing? Kahit na anong makaawa ng Philippine Dragon Boat Team sa gobyerno eh wala pa rin silang ginagawang aksyon. Tapos ngayon eh sasabihan nila tayo na suportahan natin ang team? Buti nalang at nandyan ang Cobra at Philippine Airlines para suportahan at mag-sponsor sa team. Kung sino pa ang totoong nagbibigay ng pride sa Pilipinas eh yun pa yung hindi kayang suportahan. 


Siguro mapupunta nanaman yan sa pagkakaron ng image. Mahirap mang sabihin eh kung titignan mo talaga ang Philippine Dragon Boat Team, mahihirapan kang maghanap ng, ah sabihin na nating kaaya-ayang tignan. Hindi katulad ng Azkals na dahil 'pogi team' eh marami talagang susuportang chicks dyan. Wag mong sabihin na proud na proud sila na bigyan ang Pilipinas ng karangalan dahil ka-bullshit-an lang yan. Pero ayokong pag-usapan sila ngayon. Philippine Dragon Boat Team muna tayo.


Alam kong iniisip mo, gano nga ba kalupit tong team na to? Nung 2007 lang naman sa Australia eh ginanap yung World Championship at nanalo sila ng gold medal. Pero hindi lang yan ah, tinatakan din nila ang World Record dahil natapos sila ng 41.91 seconds sa 200-meter men's open category standard boat. At nung 2009, na-beat nila yung sariling record nila sa bilis na 40.02 seconds, at syempre nanalo nanaman sila ng gold medal sa World Championship na ginanap naman sa Prague. At ngayon, inuwi nila ang 4th gold medal nila nang nanalo ulit sila sa World Championship sa Florida.


Kung sila eh ganun na kagaling at konti pa lang ang fans nila, siguro naman mas malupit sa kanila ang Azkals kasi sobrang dami nilang fans eh. Ay teka, ano na nga palang balita sa Azkals? Di pa rin talaga ko updated eh, pero ang alam ko lang eh maganda ang simula ng 2011 nila kasi napunta ang ranking nila sa 153. Kaso yun nga lang, medyo sumasablay sila kasi bumaba ng bumaba ang ranking nila at napunta sila ulit sa 162. Parang bumalik lang sila sa ranking nila nung 2009 at 2008 kung saan nagrank sila ng 167 at 160 respectively. Medyo bumaba pala sila 'no? Siguro masyadong busy sa showbiz? Ah basta, kung ako sa kanila eh magfofocus nalang ako sa pagsisipa ng bola at tingin ko eh wala silang mararating sa acting.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento