Alam ko na matagal na yung balita tungkol kay Mideo Cruz. Kung hindi mo pa kilala si Mideo Cruz eh ewan ko na lang kung bakit. At ngayon usap-usapan pa rin yung "controversial" nyang Art Exhibit sa CCP. Ang 'Poleteismo' na gawa ni Mideo Cruz kasama na ang 31 pang mga artist na galing sa University of Santo Tomas na may kani-kanila ring gawa para sa Kulo Exhibit ng CCP ay ginawa para sa kaarawan ni Dr. Jose Rizal.
Binuksan ang exhibit noong June 17 at dapat eh hanggang August 21 pa yung exhibit. Pero dahil sa mga kupal at makikitid na utak na namumuno ng simbahan, pinasara ang exhibit noong August 9. Dahil sa nangyari talagang mapapaisip ka kung sino ba talaga ang namumuno ng Pilipinas. Anong ginawa ng Gobyerno? Wala. Kasi natatakot sila sa simbahan. At dahil din sa mga magagaling na mga media, pinakalat yung balita sa TV kaya mas lalong napapasama ang ginawa ni Mideo Cruz.
Kung hindi mo nakita ang exhibit at hindi mo pa nakikita ang mga pictures sa exhibit, wag ka munang manghusga. Sabi nya nga sa email sa Varsitarian ng University of Santo Tomas, hindi niya nilayon mang-api ng tao kundi para magtanong at mag-isip ng kritikal ang mga tao. Yan ang problema sa mga tao ngayon eh, masydo nang mababaw. Hindi ko sinasabi na tama ang ginawa nya. Ang sinasabi ko lang eh sa sobrang babaw na ng mga tao ngayon eh parang nabubuhay na tayo sa hypocrisy. Makakita ka lang ng titi sa poster ni Jesus Christ nabastusan ka na agad. Hindi ka man lang muna tumigil at nag isip kung bakit ganoon ang ginawa ng artist.
Dada Art kasi yan, pagsasama-sama ng mga napulot na bagay. Kaya hindi rin talaga masasabi na lahat ng ginawa niya ay planado. Sinabi niya nga rin na ang condom sa ibabaw ng Crucifix eh random lang. "Random", wag mong sabihin na 'sana naman sa iba nalang niya nilagay hindi sa Crucifix' kasi kung hindi ka ba naman nag iisip eh random nga. Kung namili siya ng pagpupuwestohan ng condom eh hindi na random ang tawag dun.
Ang masama lang talaga dito eh kinalat sa balita na bastos yung ginawa niya at pinasara ng maaga yung exhibit. Hindi man lang nila naisip na kelangan din ng opinyon ng ibang tao. Paano sila magkakaroon ng sariling opinyon na walang bias kung hindi nila makikita yung exhibit? Hindi dapat ang simbahan ang magkokontrol ng opinyon ng mamamayan.
Kung bulag ka sa katotohanan, hindi mo makikita na hindi lahat ng ginagawa ng simbahan ay mabuti at nakakatuwa, minsan nakakainis rin na sa sobrang inis mo, gusto mo nang pabalikin si Kristo sa mundo para makahingi ng opinyon nya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento