Lunes, Mayo 30, 2011

Run For Ilog Pasig and Fat Ass Organization

Sa November 20, 2011,  magkakaroon ulit ng fun run para sa Ilog Pasig. Bale third year na to ng Kapit bisig Para sa Ilog Pasig(KBPIP) sa pag oorganize ng fun run para sa Ilog Pasig. Naalala ko tuloy last year. Kasama ko sa mga tumakbo para sa Ilog Pasig na ginanap noong 10.10.10. Nag gym pa ko ng 1 month before the run para hindi ako masyadong hingalin kasi nagyoyosi pa ko noon.

Kung hindi mo alam kung ano ang KBPIP. Ito ay isang "non-profit" organization na binuo ng ABS-CBN at ng Department of Environment and Natural Resources(DENR) through Pasig River Rehabilitation Commission(PRRC). In short, ABS-CBN + DENR = KBPIP. Nag sign sila ng memorandum of agreement noong March 2008 at officially launched noong February 24, 2009.

 Pero ano na nga bang nangyari sa Ilog Pasig? Sa ngayon hindi pa rin siya malinis. Ayon sa ABS-CBN, four times ang airing ng report ng KBPIP sa ABS-CBN News Channel(ANC) at 10 AM, 2 PM, 5PM, and 8 PM. Bakit kaya dun nila nirereport? Hindi nalang sa ABS-CBN na main channel at pwedeng mapanood kahit wala kang cable. Alam ko ang ANC pero walang ANC samin kahit naka cable. Isipin natin kung ilan lang ang nakakapanood ng mga report na yan.

Lahat ng tao sa Pilipinas minus mga taong walang tv, minus mga taong may tv pero walang cable, minus mga taong may cable pero walang ANC channel, minus mga taong may ANC channel pero hindi nanonood dun, minus mga taong nanood sa ANC pero hindi nanonood ng mga reports ng KBPIP. Diba parang ang kinalalabasan, 0-100 lang ang mga nakakapanood ng reports nila. (Galante pa ko sa estimation ko ah.)  Siguro kaya ganyan kasi wala naman talagang mga big improvement sa project na yan. Hindi nababudget ng maayos yung pera kaya walang nangyayari, nasasayang lang or worse, napupunta lang sa bulsa ng mga malalaking tao sa likod ng project.

Sana lang hindi nila binabagalan yung paglilinis para lang humaba yung taon na bibilangin ng mga tao na sumasali sa fun run. Para lang Harry Potter na mahaba na nga yung 7 years para sa school, hindi pa nakuntento at ginawa pang 2 parts ang last year nila Harry sa Hogwarts. Walang kwenta. Kahit off-topic na, wala pa ring tatalo sa Star Wars!

Huwebes, Mayo 26, 2011

Mainstream: Movie Never Grows

"Philippine share prices posted modest gains on Thursday, snapping a five-day skid that provided investors bargain-hunting opportunities. Gainers dominated losers, 85 to 48, while 37 stocks closed unchanged." - GMANews.tv
Naiintindihan mo ba? Ako hindi eh. Ang alam ko lang, maganda ngayon yung lagay ng stock market. Pero sino nga naman yung may pakialam diyan diba? Hindi naman tayo papakainin ng stocks na yan. Pang mayaman lang. Hindi pang mahirap. Pero isipin natin, pang mayaman lang ba talaga? Pano naman yung mga middle-class na gusto rin matuto kung pano gumagana yung stock market?

Kahapon lang napanood ko yung Wall Street: Money Never Sleeps. Kilala din bilang Wall Street 2 kasi sequel siya ng Wall Street na pinalabas noong 1987. Kung papanoorin mo to at wala kang alam tungkol sa stocks malamang sa malamang eh maiinis ka sa mga terms na ginagamit nila gaya ng bubble, moral hazard, leverage, margin, etc. Naisip ko, "Bakit walang ganito ang Pilipinas?". Kung titignan mo, apat na klase lang ng movie ang madalas ipalabas sa mainstream, either love story, comedy, horror, at fantasy. Bakit wala tayong movies tungkol sa mga business? You Changed My Life? Kahit may konting business sa story, nakacenter pa rin yung kwento sa love story nila John Lloyd at Sarah Geronimo.

Dalawa lang ang naiisip kong dahilan diyan. Kung hindi creative yung mga writer, eh tingin nila sa mga manonood eh mga bobo. Nakakainis lang isipin na nakukuntento na sila sa mga ganung mga palabas na hindi masyadong pinag iisipan. Kung sa bagay, pinapanood pa rin naman ng karamihan diba?

Sa tingin ko, ang mga movies sa isang bansa ay reflection ng status at uri ng mga tao sa bansa. Halimbawa, yung Wall Street. Dahil may ganoong movie ang America kasi mayaman silang bansa. Maraming business minded na tao. Inception, ibig sabihin creative ang director, pinag isipan talaga. Kailangan mo talagang panoorin ng higit pa sa isang beses para maintindihan mo ng todo.

Samantala dito naman sa Pilipinas, anong mga movies ang kailangan nating panoorin ng maraming beses para maintindihan ng todo? Karamihan sa mga tao kaya nila pinapanood ng paulit ulit kasi gusto nila yung feeling ng mga madadramang artista. Pero ganoon lang ba kababaw tayong mga  Pilipino? Hindi naman siguro. Sana lang eh magkaron na ng pagbabago sa industriya ng pelikula para naman machallenge yung mga manonood sa mga movies ng pinoy.

Linggo, Mayo 22, 2011

In and Out

Last week  nahuli ng NBI si ex-Governor Antonio Leviste sa labas ng kulungan. Sa mga hindi nakakaalam, pinakulong sya nung 2009 dahil sa pagpatay kay Rafael delas Alas. 6-12 years ang sentence sa kanya. Kaya bakit sya nasa labas ng kulungan? Ibig sabihin binibigyan sya ng speacial treatment. Syempre nga naman ex-Governor eh kaya bago pa yan mapakulong, marami na syang nakurakot sa mga tao para ipambayad sa mga walang dignidad na pulis. Buti nalang nahuli siya ng NBI.

Hindi pa diyan nagtatapos ang masayang istorya. Pagkahuli sa kanya, napatalsik din yung mga aso niyang mga pulis na hinahayaan siyang makalabas. Nakakalungkot mang isipin pero ganito na talaga ang uri ng pamamalakad ng mga pulis dito sa Pilipinas. Pakitaan mo lang ng konting pera, ayos ka na. Kaya hindi talaga pantay ang karapatan ng mga tao dito satin. Siguro dahil na rin sa kahirapan talaga. Kung hindi naman siguro mababa ang sweldo ng mga pulis eh hindi naman siguro sila matetempt na pumatol sa mga bribe na yan.

"Tara na biyahe tayo! ........ Ang galing ng pilipino." Yan yung lyrics sa dating kanta ng WOW Philippines. Wow talaga at ang galing ng pilipino. Nakakaisip tayo ng mga kabulastugan para lang may mapalamon tayo sa mga naglalaway nating luho.

Kaya mga bata, laging tatandaan, ang kabataan ang pag asa ng bayan. Totoo naman eh. Karamihan sa mga kabataan eh matitino at puro kabutihan ang alam. Pero pag tumanda na yang mga yan, eh matututo na rin yan ng mga kagaguhan gaya ng mga pulis na nagpapalaki lang ng tiyan sa mga upuan nila at nagpapabili sa mga mayayamang tao.

Ang mabuti pa, ang mga bata nalang ang gawin nating mga pinuno, para masaya diba?

Judgement Day May 21,2011

March 22 na ngayon. Ano nga ba ang ibig sabihin noon? Ibig sabihin hindi nagkatotoo ang prediction na kahapon ang judgement day. Isang malaking sampal para sa mga naniwala dito. Natatawa na lang ako sa mga nainterview sa TV na mga kano na nagsasabing May 21 ang Judgement Day. Ano kaya ang iniisip nila ngayon? Kung ako sa kanila hindi muna ko lalabas ng bahay ng isang buwan. Eh syempre pag lumabas ako tas nakita ako ng mga taong sinermonan ko na May 21 ang Judgement day, siguradong tatawanan nila ko. (May kasama pang turo at  pagtakip ng kamay sa bibig)

Pero technically, hindi naman sila mali sa prediction nila eh. Kung iintindihin nating mabuti, ang sinabi lang naman nila eh May 21 ang Judgement day. Hindi naman nila sinabi na May 21 ay ang paggunaw ng mundo. Siguro ang ibig sabihin nila eh May 21 yung date kung kelan ililista ni Jesus kung sino yung pupunta sa langit at kung sino yung mga pupunta sa impyerno. Safe!

Pero kahit ganun natatawa pa rin ako sa kanila. Siguro wala na silang mapagkaabalahan kaya pumapatol sila sa mga ganitong kashitan. Kung ikaw ba naman eh tambay tapos may nag offer sayo ng sweldo  para lang magpreach sa mga tao na katapusan na ng mundo. Kahit hindi ka naniniwala eh aba, syempre tatanggapin mo diba? Kaya siguro ang magandang gawin nalang natin eh intindihin ang mga taong ito. Pero bakit pa natin kelangang intindihin sila? Wag nalang diba? Wag nalang nating pansinin kasi busy tayong mga tao. No time for monkey business.

Huwebes, Mayo 19, 2011

Operation: School Bukol

Noong May 9, 2011 nagrelease ng Php 7-Billion ang Department of Budget and Management(DBM) to repair and construct 8,997 classrooms across the country. Naisip ko "Uy ayos ah bagong classrooms." Yun nga eh ayos na sana kaso namputa bat ngayong May lang nila naisipan to?

Parang ang laki ng percent na napupunta sa education diba? Pero wag ka, kung ikukumpara mo yan sa budget ng Pilipinas eh parang kulangot lang yang 7 Billion. Ang budget ng Pilipinas ngayong 2011 ay 1.654 Trillion kung hindi ako nagkakamali. Ang laki diba? Pero konti lang yung nilalaan para sa edukasyon. Kumpara mo sa ibang bansa na halos kalahati ng budget ng bansa nila eh napupunta sa edukasyon. Kaya nahuhuli tayo pagdating sa mga utakan eh.

Pero balikan natin yung issue. Kaya ba nilang gawin yang mga classroom na yan sa isang buwan? Baka nakakalimutan nila pasukan na sa June. Eh yung konting butas nga sa tulay na dinadaanan ko isang dekada na ang nakakaraan eh "Under Construction" pa rin. Lecheng butas yan hinihintay pa yata nila na ipaalala sa kanila na hindi pa nagagawa yung butas o siguro design pala yun.(Hindi na pala ko updated sa fashion kung ganun) Pano na lang yang 8997 na classroom na yan. Hindi naman Hogwarts kundi totoong mga classroom ang gagawin nila.

O kaya naman, hindi pa nila ngayon gagawin, saka na siguro pag nag summer na ulit. Eh tangina ang aga naman nila inotify sa mga tao na naglabas sila ng pitong bilyon para sa isang project na next year pa gagawin. Ano to show-off at testing the water? Baka hinihintay nila kung anong magiging epekto sa ratings ni PNoy. Kung tataas yung ratings itutuloy nila pero pag walang epekto hindi nila aayusin yung pagpapagawa. Sana lang pag bumaba yung ratings eh hindi nila waldasin yung 7 Billion sa hotdog na binili pa sa sidewalk ng New York.

Knuckles Bar and Grill

Nagroadtrip kami kahapon ng mga tropa ko nung high school sa Tagaytay. Hindi pa namin alam kung san kami pupunta tapos pumarada kami sa may labas ata yun ng Antonio's. Di ako sure basta malapit lang yun sa magkatabing Starbucks at Pancakehouse.

Dun kami pumunta sa likod tapos meron pa pala dung mga restaurant. (Akalain mo yun?)
Sa kaliwa Kon-Tiki. Sa gitna may bar pero hindi ko alam yung pangalan tapos sa Kanan dun na yung Knuckles Bar and Grill. Eto lang ang masasabi ko. Ang sarap ng pork sisig nila! Grabe as in pag natikman mo yung sisig nila, parang shit nalang yung ibang sisig.

Yun nga lang kami lang yung tao dun. Akala ko pa naman may makikilala akong bagong chicks. Hindi ko alam kung malas kami kahapon o talagang nilalangaw lang yung Knuckles. Pero masarap talaga yung sisig nila. Ang lambot talaga ng pork hindi ako maka get over hanggang ngayon. Dapat maraming nagpupunta dito eh. Sobrang mura pa ng drinks nila pag Happy Hour. 240 lang per bucket san ka pa. At ang Happy Hour nila eh 5-8 pm. Nakatatlong bucket lang kami tapos hindi pa namin naubos. Sayang yung beer. Lasing na daw yung mga kasama naming babae.

Hindi nga ko naniwala nung una eh pero nung nagddrive na ko pauwi, sumuka yung kasama kong babae. (Yaaaak!) Buti nalang nasa gilid sya kaya sa labas sya nasuka hindi sa loob. Kung nagkataon patay ako sa nanay ko.

Pero kung gusto mo ng malupet na sisig eh sa Knuckles yung the best para sakin. (Hindi nila ko binayaran kung yan yung iniisip mo)

Miyerkules, Mayo 18, 2011

Blogger's Blog

Kung mahilig kang magbasa ng mga blog, well ang malas mo lang kasi binabasa mo to. WARNING: Ang mga sumusunod na mga salita ay wala gaanong sense at dala lamang ng sobrang kabagutan.

Alam mo hindi naman talaga ko mahilig mag blog eh. (Tas tatanungin mo sa isipan mo: "Eh bat ka nagbablog?")
Eh ano bang pakialam mo? Trip ko to ngayon. Alam mo tol minsan sa buhay ng isang tao eh may nabubuong kainipan at kung hindi mo ilalabas ang kainipan na to eh baka mamatay ka.(True story)

Alam mo ba na 73% ng mga pilipino ay merong blog? Habang 27% ng mga pilipino ay nagdodroga. Pero syempre imbento ko lang yun. Kahit na wala akong magawa, hindi ko pa rin papatulan yang mga survey na yan. It's all a lie sabi nga sa napanood kong drama. Pero siguro yung iba totoo naman siguro. Ang kinasasama lang ng loob ko eh bakit hindi ako makapagparticipate sa mga pesteng survey na yan. Kahit sa school na napakaraming projects na kelangan ng survey eh wala talagang lumalapit sakin. Siguro mailap lang talaga ang mga survey sakin.(I don't believe this shit!)

Ay teka naalala ko pala. May survey na pala kong nasagutan. Eto yung mga survey na nagpapromise sayo ng 5 dollars pero hindi na kinukuhanan ng personal information. Hindi ko talaga alam kung pano nila ipapadala sakin yung pera eh hindi naman nila hinihingi yung address ko. Sari sari talagang kashitan ang makikita mo sa internet pag nagsearch ka ng "make money online". Kaya payo ko sayo tol, wag na. Maghahanap nalang ako ng totoong trabaho. At least yun sure na may sweldo.

Eto na nga nakalimutan kong sabihin kung bakit ako may blog. Kasi bored na talaga ko. Kung may alam pa kayong libangan bukod sa sports, computer games, or games sa banyo, magsuggest ka lang.

I need to go out man!

Martes, Mayo 17, 2011

RH Chill

Kelangan ba talaga ng sex education? Kelangan ba talagang makialam ng simbahan? At kelangan ba talagang mag costume ka bilang si Rizal habang hawak-hawak ang isang cardboard na may nakasulat na "Damaso" sa loob ng simbahan?

Welcome to the world of crazy shits. Bakit ba sobrang defensive ng simbahan tungkol sa RH Bill? Ituturo lang naman sa mga bata kung pano ang safe sex. Magbibigay lang naman ang gobyerno ng libreng contraceptives sa mga tao. Wag kang mag alala father. Hindi ka papagalitan ni Bro kahit ipasa ang RH Bill.

Kung iisipin mo, pwede naman talagang ipaubaya sa mga magulang natin ang pagtuturo tungkol sa sex. Pero isipin din natin, lahat ba ng magulang eh may guts para sabihin at ipaliwanag sa mga anak nila kung pano ito gawin? Kahit nga yung magulang ko, hindi ako tinuruan ng sex, lalo na ng safe sex. Natutunan ko lang ang sex sa mga kaklase ko na mahaharot at sa mga palabas sa tv. Ikaw, tinuro ba yan sayo ng magulang mo?

Kung ako sayo, hahayaan ko nalang silang magpatayan tungkol dyan.(Diba Pacman?) Kahit naman anong mangyari, kahit mapasa man yan o hindi, parehas lang may good and bad side. Kung hindi mapapasa ang RH Bill, sasaya ang simbahan at magiging normal ang mga susunod na araw. Kung mapasa man ito, makakabuti ito sa populasyon ng Pilipinas kahit konti. Pero dahil hawak ng mga payaso ang pondo para sa RH Bill, wag na tayong umasa na hindi nila ito ibubulsa. Ang saya diba?

Kaya kahit na magdebate pa sila tungkol dyan. Parehas lang ang resulta at magsasayang lang sila ng laway. Bakit hindi nalang nila pagtuunan ng pansin yung ibang mas mahahalagang issue? Try nila kayang pagdebatehan kung pano babayaran ang utang ng Pilipinas? Matutuwa pa tayo nyan. Pero kung gusto talaga nila na malaman kung ipapasa ba o hindi, mag jack 'n poy nalang sila o kaya naman eh toss coin race to 5.

Tayuan Mo! At Panindigan(Uncensored)

Akala mo kabastusan no? Nung una ko ring mapanood yung commercial nito akala ko tungkol lang sa mga kabulastugan. Yun pala hindi. Kung inosente ka at hindi mo alam ang palabas na ito, malamang eh isa ka sa mga taong kuntento na sa mga palabas na hinahain satin ng GMA at ABS-CBN o kaya naman, eh wala ka lang talagang cable o kaya eh wala kang hilig sa panonood ng TV.

Ang program na to eh araw-araw pinapalabas sa Aksyon TV every 10:15 PM. Pinag- uusapan nila ang iba't-ibang mga issue na napapanahon at talagang nawiwili ako sa panonood nito. Minsan naisip ko, bakit nga ba konti lang ang mga ganitong program? Lagi nalang nakikita natin sa TV eh yung mga drama na minsan eh sobrang OA na. Yung iba naman hindi drama, may fantasy din na kung hindi original story na may halong hollywood, eh isang fantasy na halatang pinag halo-halo lang na idea na mula sa mga fantasy stories sa  hollywood.

Bakit hindi sila magpalabas ng matatalinong programa? Pwede naman sigurong pag isipan at pagplanuhan ng mabuti ang mga program para satin diba? Hindi naman siguro tayo mga bobong tao. Pero kung sabagay, pinapanood din naman natin yan kahit ano pa man yan. Eh kasi nasanay na tayo sa puro drama. Kaya tuloy tayo namomroblema kasi hinahalintulad natin yung buhay natin sa mga napapanood natin. Natututo tayong magdrama.

In the end, tayo pa rin yung nanonood at sila pa rin yung kumikita. Kahit basura yung programa mo basta may nanonood, pasok na pasok pa rin sa mga station. Ang galing diba? Sana lang eh magkaron ng bagong mga palabas na pwedeng pumantay sa hollywood na talaga namang hilig na hilig nating gayahin.