Hi reader(if anyone reads this). If you're reading this then you're probably a Filipino. And probably you like to speak english because you think it's cool and classy. Or you like to be white like them too. You're thinking when you graduate from college your going to work abroad and migrate there. Jejemons are number one in your top ten hate list. You think speaking our language is lame, boring, or shits like that. Is this you? Then fuck you. You like to kiss foreign ass. You'll probably lick it given a chance.
Ikaw ang sakit ng ating bansa. Colonial mentality. Ano ba ang masama sa pagiging Pilipino? Dapat lahat ng tao proud sa bansa nila. Bakit america ang sikat na sikat ngayon? Kasi patriotic ang americans. Sobrang proud sila sa bansa nila na ang tingin nila sa ibang bansa ay mas mababa sa kanila. Pag nakakakita tayo at nakakakausap ng foreigner na marunong magtagalog, natutuwa tayo at pinupuri pa natin. Tangina nagsalita lang ng tagalog ang galing galing na kaagad? Bakit pag tayo ba nakikipag usap sa mga kano ng english eh pinupuri ba nila tayo? Hindi.
Hindi naman masamang magsalita ng english eh. Pero kung nagkakaintindihan naman kayo sa tagalog eh bakit hindi kayo magtagalog? Alam mo ba ang story na The God Stealer? Story ito ng isang Ifugao na si Philip at isang american na si Sam(the colonized and the colonizer representation). Sa america nagtatrabaho si Philip at boss niya si Sam. Pagbalik ni Philip sa Baguio, nagkaroon ng handaan. Tapos nagustuhan ni Sam yung anito ng Ifugao at gusto nitong bilihin. Kaso ayaw ipagbili ng mga Ifugao, na kinatampo nila Philip at Sam. Dahil gustong-gusto ni Philip makuha yung approval ni Sam, ninakaw niya yung anito sabay balik sa America. Tapos dahil sa sobrang sama ng loob ng Lolo niya, namatay si Lolo. Bumalik si Philip sa Baguio at nagluksa habang naka-Ifugao attire. Doon niya narealize yung kabobohan niya kaya binalak niyang gumawa ng bagong anito nila.
Bale ang interpretation ko dito eh dahil sobrang naastigan si Philip sa american culture eh nagpaka-sugar daddy ito kay Sam at binenta ang kultura natin. Hindi niya naisip na mismong identity din niya ang pinagbili niya. Parang prostitute lang na nawalan ng dignidad. Kaya pala ganito pa rin tayo. Hindi pa rin natatapos ni Philip hanggang ngayon yung anito natin.
Hindi naman sa pagiging cheesy pero sana mahalin nating mga Pilipino ang ating bansa. Baka magsisi ka biglang umunlad ulit ang Pilipinas habang ikaw eh nasa ibang bansa ninanamnam ang pabagsak na ekonomiya nila. Hindi naman masamang tumangkilik ng produkto ng ibang bansa. Pero sana mas tangkilikin natin ang produkto natin para mas mabilis tayong umunlad. May potential tayo. Wag na nating hintayin ang gobyerno natin na magbago kasi hindi na talaga magbabago ang corrupt na gobyerno. Sabi nga ni Tony Montana "This town, like a great big pussy just waiting to get fucked." Hindi nako magugulat kung hindi mo yan kilala kasi ang kilala mo lang namang Montana eh si Hannah.
Sabado, Hunyo 25, 2011
Miyerkules, Hunyo 22, 2011
Rizal Stone
Kamakailan lang eh nadiscover itong bato na to sa Rizal Elementary School sa Ticao Island, Masbate. Kung hindi ka natutulog dati sa klase mo eh malamang familiar sayo yung mga nakasulat. Alibata? Mali. Baybayin talaga yung tawag doon. Ayon sa Baybayin.com, "Alibata is an incorrect term when a professor back in the early 1900′s after the 1st 3 characters of the Arabic alphabet. The problem is that the script is rooted in rooted in India. " Mag-focus ka sa "when a professor back in the early 1900's after the 1st 3 characters of the Arabic alphabet." Labo no? Parang hindi rin naexplain.
Anyway, itong bato pala nato eh ginagamit na foot rug ng mga estudyante doon. Pero ngayon eh pinag aaralan na kung ito ba eh legitimate na ancient artifact o gawa-gawa lang. Pag napatunayan na legit yung bato eh ito yung first stone artifact ng Baybayin. Nga pala pinangalan na yung bato ng "Rizal Stone" kasi syempre credit to the school hindi dahil kay Rizal. Walang kinalaman si Rizal dito.
Ayon kay Paul Morrow, isang Canadian na expert sa Baybayin eh para daw modern creation kasi wala daw silang makitang mga kudlit(apostrophe) na ginagamit para ipag-combine ang consonant at vowel. Makikita sa bato yung mga salitang bathala, balahala (kataas-taasang panginoon), bahaya(panganib), at ihalad(pag-aalay). So malamang eh tungkol yun sa religion at naniniwala din daw ang mga expert na parte lamang ito ng isang malaking bato. Ang galing no? Sana lang totoo yung bato. Hindi pa nila masabi na totoong ancient nga yung bato pero hindi rin nila masabi na peke ito.
Hindi naman sa nagmamagaling ako pero may iba pa naman sigurong paraan para malaman kung totoo ba talaga yung bato o hindi. Meron naman tayong tinatawag na Radiometric Dating eh. Pero syempre hindi naman ako expert kaya hindi ko na papasukin yan. Kung gusto mong mabasa ang buong story eh nandito ang mga link: Link 1 & Link 2
Lunes, Hunyo 20, 2011
Belated Happy Birthday Rizal!
"Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay higit pa sa mabaho at malansang isda." -Rizal
Lagi kong naaalala yang line na yan pag naaalala ko si Rizal(Ayieeee). Kaya lang sinulat niya yung Noli Me Tangere at El Filibusterismo sa espanyol. Pati na rin yung Mi Ultimo Adios. Ironic no? Pero wag natin husgahan basta si Rizal dahil lang dito. Hindi naman kailangang tagalog ang gamitin mong wika para lang masabi na mahal mo ang Pilipinas. Meron nga diyang iba na tagalog lang ang alam na wika pero gusto niyang mag-migrate sa ibang bansa.
Kung wala kang pakialam kung sino si Rizal at kung hindi mo alam na birthday niya kahapon eh mahiya ka naman. Birthday ni Rizal ang dahilan kung bakit nagpapakasaya ka ngayon at nagpapaka couch potato sa long weekend. Marami yata ang nalilito kaya lilinawin ko lang. Kung akala mo Rizal Day kahapon kaya walang pasok ngayon eh nagkakamali ka. Dineclare ni PNoy na non-working holiday ngayon para i-commemorate ang 150th birthday ni Dr. Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo Y Realonda. Pero sabi naman ng inaccurate na Wikipedia ay Dr. Jose Protasio Rizal Mercado Y Alonzo Realonda. Karaniwan eh June 13 yung walang pasok kasi Independence Day. Pero dahil 150 na si Pareng Pepe eh nagkaron ng pasok noong June 13 at wala namang pasok ngayon June 20.
At ngayon naman, gustong magpasa ni Sen. Bongbong Marcos ng bill para ilipat ang Rizal Day mula December 30 to June 19. Alam mo ba kung bakit December 30 ang Rizal Day? Syempre hindi mo nanaman alam kaya sasabihin ko nalang sayo. December 30 ang date kung kelan binaril si Rizal sa Bagong Bayan na naging Luneta Park na ngayon ay tinatawag na Rizal Park. Karamihan sa mga tao ay hindi sang-ayon sa proposal ni Bongbong kasi daw December 30 na yung nakasanayan na Rizal Day. Yun lang yung reason? Pero kung sabagay, ano bang mapapala natin kung ililipat ang Rizal Day sa June 19? Para sa mga pumapasok, dagdag nanaman sa holiday. Eh pano naman yung iba? Kung sabagay, Rizal Day kasi yung pangalan. Dapat nga yung birthday talaga. Diba pag pinapanganak yung mga baby kunwari Kim eh Kim Day yun kasi nung araw na yon dumating si Kim sa mundo.
Pero bakit nga ba pinag aaksayahan ng panahon yang bill na yan eh wala namang masamang epekto at magandang epekto. Siguro ang magandang gawin nalang eh wag nalang pakialaman ang Rizal Day kasi marami pang mas magandang pag usapan kesa sa paglilipat ng Rizal Day. Pagandahin nalang natin ang Pilipinas kasi masyado na tayong pinag iiwanan ng ibang mga bansa.
Mga etiketa:
bill,
bong bong marcos,
day,
june 19,
rizal
Miyerkules, Hunyo 1, 2011
K-12 Education: Are you readyyyyyyyyyyy?!
Namiss ko yung episode ng Bawal Ang Pasaway Kay Mareng Winnie sa GMA News TV tungkol sa K-12 education. Di ko tuloy alam yung Pros and Cons ng K-12. Kung inosente ka at hindi mo alam ang K-12 eh manood ka naman ng tv tsong. Nakakapag internet ka nga eh. Para kang hermit.
Anyway, ang K-12 education ay isang type ng education na karamihan sa mga bansa sa buong mundo ay gumagamit na nito. Kumbaga satin, dadagdagan ng 2 years yung pagpasok natin sa school. Ganito yan, ang elementary, Grade 1-7. Yung high school naman mahahati sa dalawa. Yung first to third year, yung high school, tapos yung fourth to fifth year, senior high school(Parang High School Musical lang ah).
Sabi ng iba, dapat daw hindi muna magdagdag ng taon sa school. Imbis(imbes?) na magdagdag ng taon eh pahusayin na muna daw ang education na alam naman nating medyo sablay nga ngayon. Naalala ko pa dati nung grade school, ang basa ng teacher ko sa Sibika at Kultura sa Tydings-Mcduffie eh tay-dings mak-du-pi. Syempre naniwala naman ako sa kanya kasi nga teacher ko siya tsaka bata pa ko noon. Nalaman ko nalang na mak-da-fee pala yung basa doon nung nag high school ako. Buti nalang tahimik ako sa klase at hindi ko sinabi yung mcduffie nung pinaalala samin ng teacher namin sa high school. Eto pa yung teacher ko rin sa elementary. Sabi niya ang Monday daw eh dating Maundy. Hindi pa siya tumigil dun ha. Nilason pa niya ang utak namin na dati daw ang days of the week eh walang "a" sa huli i.e. Maundy, Tuesdy, Wednesdy, Fridy etc.(parang bisaya lang). Lintek, nagkaron lang ng Maundy Thursday eh akala niya eh Monday yung Maundy. Kaya alam ko, my education is fucked up.
Yan siguro yung sinasabi nila na iimprove. Pero wala na naman ako masyadong pakialam diya eh. ang totoo niyan eh medyo naiingit ako kasi hindi ko mararanasan yung liberated na yung mga babae bago pa makagraduate sa high school kasi matatanda na sila.
Anyway, ang K-12 education ay isang type ng education na karamihan sa mga bansa sa buong mundo ay gumagamit na nito. Kumbaga satin, dadagdagan ng 2 years yung pagpasok natin sa school. Ganito yan, ang elementary, Grade 1-7. Yung high school naman mahahati sa dalawa. Yung first to third year, yung high school, tapos yung fourth to fifth year, senior high school(Parang High School Musical lang ah).
Sabi ng iba, dapat daw hindi muna magdagdag ng taon sa school. Imbis(imbes?) na magdagdag ng taon eh pahusayin na muna daw ang education na alam naman nating medyo sablay nga ngayon. Naalala ko pa dati nung grade school, ang basa ng teacher ko sa Sibika at Kultura sa Tydings-Mcduffie eh tay-dings mak-du-pi. Syempre naniwala naman ako sa kanya kasi nga teacher ko siya tsaka bata pa ko noon. Nalaman ko nalang na mak-da-fee pala yung basa doon nung nag high school ako. Buti nalang tahimik ako sa klase at hindi ko sinabi yung mcduffie nung pinaalala samin ng teacher namin sa high school. Eto pa yung teacher ko rin sa elementary. Sabi niya ang Monday daw eh dating Maundy. Hindi pa siya tumigil dun ha. Nilason pa niya ang utak namin na dati daw ang days of the week eh walang "a" sa huli i.e. Maundy, Tuesdy, Wednesdy, Fridy etc.(parang bisaya lang). Lintek, nagkaron lang ng Maundy Thursday eh akala niya eh Monday yung Maundy. Kaya alam ko, my education is fucked up.
Yan siguro yung sinasabi nila na iimprove. Pero wala na naman ako masyadong pakialam diya eh. ang totoo niyan eh medyo naiingit ako kasi hindi ko mararanasan yung liberated na yung mga babae bago pa makagraduate sa high school kasi matatanda na sila.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
