Sabado, Setyembre 17, 2011

Abstract

Ano na bang mga uso ngayon? Teleserye, mainstream movies, Justin Bieber, Selena Gomez, RNB, english Hip-Hop, etc. Kapag banyaga o may halong banyaga talaga eh gustong gusto natin. Pero kapag ang pinag-usapan na eh OPM, jejemon, Pacquiao(lalong lao na si Mommy D), nag-iiba na yung timpla natin.

Sabi sa Yahoo! Philippines at Google, sila Charice, Pacquiao, at Venus Raj daw ang mga sikat na isearch noong 2010. Pero kung iisipin natin, proud ba talaga tayo sa mga sikat na Pilipinong yan? Naalala ko dati yung napanood ko hindi ko na maalala kung anong palabas, nag-iinterview sila ng mga tao tungkol sa susunod na laban ni Pacquiao. May isang nagsabi na Jeepney driver na sana daw matalo na si Pacquiao kasi nakakasawa na raw tsaka lumalaki na raw yung ulo. Nakasanayan na talaga siguro natin ang ganyang pag-uugali. Hindi naisip nung driver na kapag natalo si Pacquiao eh mawawala nanaman ang Pilipinas sa mapa ng mundo.

Isa lang yan sa mga halimbawa ng pag-iisip ng isang simpleng mamamayan. Isang halimbawa ng konkretong pag iisip. Naalala ko tuloy yung kaklase ko dati, sabi ko kapag banda yung tugtugan OPM yung pinapakinggan ko. Sabi naman niya ang baduy daw, wala daw maganda sa OPM. Sabi ko tuloy sa isip ko, Putangina ayaw mo sa OPM pero nakikinig ka sa Parokya, Eheads, at Kamikazee. Anong tawag sa kanya? Tama isang hipokrito. Pero kapag iisipin natin ang karamihan sa mga nakatapos ng pag-aaral at nag-aaral pa lamang sa kolehiyo, madali nating sabihin na iba silang mag-isip.

Ang pinakamagandang halimbawa talaga para sa mga "edukado" ay ang video ni Rebecca Black na "Friday". Karamihan sa mga nakapanood ng video eh hindi nagandahan. Wala raw kwenta yung lyrics. Naging uso tuloy pag-usapan sa Pilipinas. So ibig sabihin ba noon eh matalino na sila? Siguro ang iniisip nila eh kakaiba silang mag-isip. Abstrakto. Yan ang madalas mali ng mga tao. Kapag hindi sila sumasang ayon sa isang bagay, akala nila abstrakto na ang kanilang pag-iisip. Pero ang totoo nakikisabay kalang din sa agos ng lipunan. Katulad ng Jeepney driver kanina, ang konkretong pag-iisip pag sinuri ang video ni Rebecca Black, sasabihin nilang pangit yung kanta dahil walang kwenta yung lyrics. Pero sa taong abstrakto at totoong nag-iisip, masasabi niya na pangit yung kanta dahil parang robot na monotone yung kumakanta. Alam mo na agad na konkreto kang mag-isip kung fan ka ng Nirvana pero hindi ka fan ni Rebecca Black. Anong parehas sa kanilang dalawa? Madali lang yan.

Smells Like Teen Spirit at Friday.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento