Martes, Mayo 17, 2011

Tayuan Mo! At Panindigan(Uncensored)

Akala mo kabastusan no? Nung una ko ring mapanood yung commercial nito akala ko tungkol lang sa mga kabulastugan. Yun pala hindi. Kung inosente ka at hindi mo alam ang palabas na ito, malamang eh isa ka sa mga taong kuntento na sa mga palabas na hinahain satin ng GMA at ABS-CBN o kaya naman, eh wala ka lang talagang cable o kaya eh wala kang hilig sa panonood ng TV.

Ang program na to eh araw-araw pinapalabas sa Aksyon TV every 10:15 PM. Pinag- uusapan nila ang iba't-ibang mga issue na napapanahon at talagang nawiwili ako sa panonood nito. Minsan naisip ko, bakit nga ba konti lang ang mga ganitong program? Lagi nalang nakikita natin sa TV eh yung mga drama na minsan eh sobrang OA na. Yung iba naman hindi drama, may fantasy din na kung hindi original story na may halong hollywood, eh isang fantasy na halatang pinag halo-halo lang na idea na mula sa mga fantasy stories sa  hollywood.

Bakit hindi sila magpalabas ng matatalinong programa? Pwede naman sigurong pag isipan at pagplanuhan ng mabuti ang mga program para satin diba? Hindi naman siguro tayo mga bobong tao. Pero kung sabagay, pinapanood din naman natin yan kahit ano pa man yan. Eh kasi nasanay na tayo sa puro drama. Kaya tuloy tayo namomroblema kasi hinahalintulad natin yung buhay natin sa mga napapanood natin. Natututo tayong magdrama.

In the end, tayo pa rin yung nanonood at sila pa rin yung kumikita. Kahit basura yung programa mo basta may nanonood, pasok na pasok pa rin sa mga station. Ang galing diba? Sana lang eh magkaron ng bagong mga palabas na pwedeng pumantay sa hollywood na talaga namang hilig na hilig nating gayahin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento