Linggo, Mayo 22, 2011

In and Out

Last week  nahuli ng NBI si ex-Governor Antonio Leviste sa labas ng kulungan. Sa mga hindi nakakaalam, pinakulong sya nung 2009 dahil sa pagpatay kay Rafael delas Alas. 6-12 years ang sentence sa kanya. Kaya bakit sya nasa labas ng kulungan? Ibig sabihin binibigyan sya ng speacial treatment. Syempre nga naman ex-Governor eh kaya bago pa yan mapakulong, marami na syang nakurakot sa mga tao para ipambayad sa mga walang dignidad na pulis. Buti nalang nahuli siya ng NBI.

Hindi pa diyan nagtatapos ang masayang istorya. Pagkahuli sa kanya, napatalsik din yung mga aso niyang mga pulis na hinahayaan siyang makalabas. Nakakalungkot mang isipin pero ganito na talaga ang uri ng pamamalakad ng mga pulis dito sa Pilipinas. Pakitaan mo lang ng konting pera, ayos ka na. Kaya hindi talaga pantay ang karapatan ng mga tao dito satin. Siguro dahil na rin sa kahirapan talaga. Kung hindi naman siguro mababa ang sweldo ng mga pulis eh hindi naman siguro sila matetempt na pumatol sa mga bribe na yan.

"Tara na biyahe tayo! ........ Ang galing ng pilipino." Yan yung lyrics sa dating kanta ng WOW Philippines. Wow talaga at ang galing ng pilipino. Nakakaisip tayo ng mga kabulastugan para lang may mapalamon tayo sa mga naglalaway nating luho.

Kaya mga bata, laging tatandaan, ang kabataan ang pag asa ng bayan. Totoo naman eh. Karamihan sa mga kabataan eh matitino at puro kabutihan ang alam. Pero pag tumanda na yang mga yan, eh matututo na rin yan ng mga kagaguhan gaya ng mga pulis na nagpapalaki lang ng tiyan sa mga upuan nila at nagpapabili sa mga mayayamang tao.

Ang mabuti pa, ang mga bata nalang ang gawin nating mga pinuno, para masaya diba?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento