Huwebes, Mayo 26, 2011

Mainstream: Movie Never Grows

"Philippine share prices posted modest gains on Thursday, snapping a five-day skid that provided investors bargain-hunting opportunities. Gainers dominated losers, 85 to 48, while 37 stocks closed unchanged." - GMANews.tv
Naiintindihan mo ba? Ako hindi eh. Ang alam ko lang, maganda ngayon yung lagay ng stock market. Pero sino nga naman yung may pakialam diyan diba? Hindi naman tayo papakainin ng stocks na yan. Pang mayaman lang. Hindi pang mahirap. Pero isipin natin, pang mayaman lang ba talaga? Pano naman yung mga middle-class na gusto rin matuto kung pano gumagana yung stock market?

Kahapon lang napanood ko yung Wall Street: Money Never Sleeps. Kilala din bilang Wall Street 2 kasi sequel siya ng Wall Street na pinalabas noong 1987. Kung papanoorin mo to at wala kang alam tungkol sa stocks malamang sa malamang eh maiinis ka sa mga terms na ginagamit nila gaya ng bubble, moral hazard, leverage, margin, etc. Naisip ko, "Bakit walang ganito ang Pilipinas?". Kung titignan mo, apat na klase lang ng movie ang madalas ipalabas sa mainstream, either love story, comedy, horror, at fantasy. Bakit wala tayong movies tungkol sa mga business? You Changed My Life? Kahit may konting business sa story, nakacenter pa rin yung kwento sa love story nila John Lloyd at Sarah Geronimo.

Dalawa lang ang naiisip kong dahilan diyan. Kung hindi creative yung mga writer, eh tingin nila sa mga manonood eh mga bobo. Nakakainis lang isipin na nakukuntento na sila sa mga ganung mga palabas na hindi masyadong pinag iisipan. Kung sa bagay, pinapanood pa rin naman ng karamihan diba?

Sa tingin ko, ang mga movies sa isang bansa ay reflection ng status at uri ng mga tao sa bansa. Halimbawa, yung Wall Street. Dahil may ganoong movie ang America kasi mayaman silang bansa. Maraming business minded na tao. Inception, ibig sabihin creative ang director, pinag isipan talaga. Kailangan mo talagang panoorin ng higit pa sa isang beses para maintindihan mo ng todo.

Samantala dito naman sa Pilipinas, anong mga movies ang kailangan nating panoorin ng maraming beses para maintindihan ng todo? Karamihan sa mga tao kaya nila pinapanood ng paulit ulit kasi gusto nila yung feeling ng mga madadramang artista. Pero ganoon lang ba kababaw tayong mga  Pilipino? Hindi naman siguro. Sana lang eh magkaron na ng pagbabago sa industriya ng pelikula para naman machallenge yung mga manonood sa mga movies ng pinoy.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento