March 22 na ngayon. Ano nga ba ang ibig sabihin noon? Ibig sabihin hindi nagkatotoo ang prediction na kahapon ang judgement day. Isang malaking sampal para sa mga naniwala dito. Natatawa na lang ako sa mga nainterview sa TV na mga kano na nagsasabing May 21 ang Judgement Day. Ano kaya ang iniisip nila ngayon? Kung ako sa kanila hindi muna ko lalabas ng bahay ng isang buwan. Eh syempre pag lumabas ako tas nakita ako ng mga taong sinermonan ko na May 21 ang Judgement day, siguradong tatawanan nila ko. (May kasama pang turo at pagtakip ng kamay sa bibig)
Pero technically, hindi naman sila mali sa prediction nila eh. Kung iintindihin nating mabuti, ang sinabi lang naman nila eh May 21 ang Judgement day. Hindi naman nila sinabi na May 21 ay ang paggunaw ng mundo. Siguro ang ibig sabihin nila eh May 21 yung date kung kelan ililista ni Jesus kung sino yung pupunta sa langit at kung sino yung mga pupunta sa impyerno. Safe!
Pero kahit ganun natatawa pa rin ako sa kanila. Siguro wala na silang mapagkaabalahan kaya pumapatol sila sa mga ganitong kashitan. Kung ikaw ba naman eh tambay tapos may nag offer sayo ng sweldo para lang magpreach sa mga tao na katapusan na ng mundo. Kahit hindi ka naniniwala eh aba, syempre tatanggapin mo diba? Kaya siguro ang magandang gawin nalang natin eh intindihin ang mga taong ito. Pero bakit pa natin kelangang intindihin sila? Wag nalang diba? Wag nalang nating pansinin kasi busy tayong mga tao. No time for monkey business.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento