Miyerkules, Hunyo 22, 2011

Rizal Stone


Kamakailan lang eh nadiscover itong bato na to sa Rizal Elementary School sa Ticao Island, Masbate. Kung hindi ka natutulog dati sa klase mo eh malamang familiar sayo yung mga nakasulat. Alibata? Mali. Baybayin talaga yung tawag doon. Ayon sa Baybayin.com, "Alibata is an incorrect term when a professor back in the early 1900′s after the 1st 3 characters of the Arabic alphabet. The problem is that the script is rooted in rooted in India. " Mag-focus ka sa "when a professor back in the early 1900's after the 1st 3 characters of the Arabic alphabet." Labo no? Parang hindi rin naexplain.


Anyway, itong bato pala nato eh ginagamit na foot rug ng mga estudyante doon. Pero ngayon eh pinag aaralan na kung ito ba eh legitimate na ancient artifact o gawa-gawa lang. Pag napatunayan na legit yung bato eh ito yung first stone artifact ng Baybayin. Nga pala pinangalan na yung bato ng "Rizal Stone" kasi syempre credit to the school hindi dahil kay Rizal. Walang kinalaman si Rizal dito. 


Ayon kay Paul Morrow, isang Canadian na expert sa Baybayin eh para daw modern creation kasi wala daw silang makitang mga kudlit(apostrophe) na ginagamit para ipag-combine ang consonant at vowel. Makikita sa bato yung mga salitang bathala, balahala (kataas-taasang panginoon), bahaya(panganib), at ihalad(pag-aalay). So malamang eh tungkol yun sa religion at naniniwala din daw ang mga expert na parte lamang ito ng isang malaking bato. Ang galing no? Sana lang totoo yung bato. Hindi pa nila masabi na totoong ancient nga yung bato pero hindi rin nila masabi na peke ito.  


Hindi naman sa nagmamagaling ako pero may iba pa naman sigurong paraan para malaman kung totoo ba talaga yung bato o hindi. Meron naman tayong tinatawag na Radiometric Dating eh. Pero syempre hindi naman ako expert kaya hindi ko na papasukin yan. Kung gusto mong mabasa ang buong story eh nandito ang mga link: Link 1 & Link 2 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento