Miyerkules, Hunyo 1, 2011

K-12 Education: Are you readyyyyyyyyyyy?!

Namiss ko yung episode ng Bawal Ang Pasaway Kay Mareng Winnie sa GMA News TV tungkol sa K-12 education. Di ko tuloy alam yung Pros and Cons ng K-12. Kung inosente ka at hindi mo alam ang K-12 eh manood ka naman ng tv tsong. Nakakapag internet ka nga eh. Para kang hermit.

Anyway, ang K-12 education ay isang type ng education na karamihan sa mga bansa sa buong mundo ay gumagamit na nito. Kumbaga satin, dadagdagan ng 2 years yung pagpasok natin sa school. Ganito yan, ang elementary, Grade 1-7. Yung high school naman mahahati sa dalawa. Yung first to third year, yung high school, tapos yung fourth to fifth year, senior high school(Parang High School Musical lang ah).

Sabi ng iba, dapat daw hindi muna magdagdag ng taon sa school. Imbis(imbes?) na magdagdag ng taon eh pahusayin na muna daw ang education na alam naman nating medyo sablay nga ngayon. Naalala ko pa dati nung grade school, ang basa ng teacher ko sa Sibika at Kultura sa Tydings-Mcduffie eh tay-dings mak-du-pi. Syempre naniwala naman ako sa kanya kasi nga teacher ko siya tsaka bata pa ko noon. Nalaman ko nalang na mak-da-fee pala yung basa doon nung nag high school ako. Buti nalang tahimik ako sa klase at hindi ko sinabi yung mcduffie nung pinaalala samin ng teacher namin sa high school. Eto pa yung teacher ko rin sa elementary. Sabi niya ang Monday daw eh dating Maundy. Hindi pa siya tumigil dun ha. Nilason pa niya ang utak namin na dati daw ang days of the week eh walang "a" sa huli i.e. Maundy, Tuesdy, Wednesdy, Fridy etc.(parang bisaya lang). Lintek, nagkaron lang ng Maundy Thursday eh akala niya eh Monday yung Maundy. Kaya alam ko, my education is fucked up.

Yan siguro yung sinasabi nila na iimprove. Pero wala na naman ako masyadong pakialam diya eh. ang totoo niyan eh medyo naiingit ako kasi hindi ko mararanasan yung liberated na yung mga babae bago pa makagraduate sa high school kasi matatanda na sila.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento