"Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay higit pa sa mabaho at malansang isda." -Rizal
Lagi kong naaalala yang line na yan pag naaalala ko si Rizal(Ayieeee). Kaya lang sinulat niya yung Noli Me Tangere at El Filibusterismo sa espanyol. Pati na rin yung Mi Ultimo Adios. Ironic no? Pero wag natin husgahan basta si Rizal dahil lang dito. Hindi naman kailangang tagalog ang gamitin mong wika para lang masabi na mahal mo ang Pilipinas. Meron nga diyang iba na tagalog lang ang alam na wika pero gusto niyang mag-migrate sa ibang bansa.
Kung wala kang pakialam kung sino si Rizal at kung hindi mo alam na birthday niya kahapon eh mahiya ka naman. Birthday ni Rizal ang dahilan kung bakit nagpapakasaya ka ngayon at nagpapaka couch potato sa long weekend. Marami yata ang nalilito kaya lilinawin ko lang. Kung akala mo Rizal Day kahapon kaya walang pasok ngayon eh nagkakamali ka. Dineclare ni PNoy na non-working holiday ngayon para i-commemorate ang 150th birthday ni Dr. Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo Y Realonda. Pero sabi naman ng inaccurate na Wikipedia ay Dr. Jose Protasio Rizal Mercado Y Alonzo Realonda. Karaniwan eh June 13 yung walang pasok kasi Independence Day. Pero dahil 150 na si Pareng Pepe eh nagkaron ng pasok noong June 13 at wala namang pasok ngayon June 20.
At ngayon naman, gustong magpasa ni Sen. Bongbong Marcos ng bill para ilipat ang Rizal Day mula December 30 to June 19. Alam mo ba kung bakit December 30 ang Rizal Day? Syempre hindi mo nanaman alam kaya sasabihin ko nalang sayo. December 30 ang date kung kelan binaril si Rizal sa Bagong Bayan na naging Luneta Park na ngayon ay tinatawag na Rizal Park. Karamihan sa mga tao ay hindi sang-ayon sa proposal ni Bongbong kasi daw December 30 na yung nakasanayan na Rizal Day. Yun lang yung reason? Pero kung sabagay, ano bang mapapala natin kung ililipat ang Rizal Day sa June 19? Para sa mga pumapasok, dagdag nanaman sa holiday. Eh pano naman yung iba? Kung sabagay, Rizal Day kasi yung pangalan. Dapat nga yung birthday talaga. Diba pag pinapanganak yung mga baby kunwari Kim eh Kim Day yun kasi nung araw na yon dumating si Kim sa mundo.
Pero bakit nga ba pinag aaksayahan ng panahon yang bill na yan eh wala namang masamang epekto at magandang epekto. Siguro ang magandang gawin nalang eh wag nalang pakialaman ang Rizal Day kasi marami pang mas magandang pag usapan kesa sa paglilipat ng Rizal Day. Pagandahin nalang natin ang Pilipinas kasi masyado na tayong pinag iiwanan ng ibang mga bansa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento